Miyerkules, Enero 8, 2014

Blog Entry No. 1 Essay No. 2 - MASDAN by Jonathan Joven


Itong likhang sining na ito ang kumuha ng aking atensyon ng kami ay nagpunta sa Pamanang Bedista sa loob ng San Beda College, Manila. Ito ay pinamagatang "Masdan" na ipininta ni Jonathan Joven.

Jonathan Joven




Ito si Jonathan Joven. Si Jonathan ay isang pintor na nanalo ng maraming mga pangunahing parangal. Siya ay kasalukuyang nagaaral ng sining sa UP Diliman na medyor sa pagpipinta.










Marahil ang likhang sining na ito ay ipininta ni Jonathan Joven para narin ipakita sa mga tao kung gaano nga ba kahirap ang iba sa atin. Ipinapakita rito ang isang bata na pinagmamasdan ang mga masasayang bagay na dapat meron siya. Ngunit sa kahirapan ng kanilang pamilya ay hanggang tingin nalang siguro ito. Para sa akin, ipininta itong Masdan dahil ang bawat bata ay may karapatan, na dapat na tulungan sila ng kanilang magulang na maabot ang kanilang pangarap at maging matagumpay.

Ang isang elemento na aking nakita sa ipininta ni Jonathan ay ang kulay. Para sa akin ang natatangi na kulay na nakikita ay mga kulay na pula, at itim na sumisimbolo sa malungkot at ang puti na nakikita na mga guhit ay sumisimbolo sa magaganda, masasaya o pangarap.  






0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento